Gabi ng Panganib sa Ayala

Chapter 1 — Ang Itim na Rosas ng Ayala

Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang baril na nakatutok sa ulo ni Papa. Ang lamig ng simoy ng hangin sa loob ng warehouse ay hindi kayang pantayan ang lamig na dumaloy sa buong sistema ko. This couldn't be happening.

"Anong gusto niyo?" garalgal kong tanong. My voice trembled, pero kailangan kong magpakatatag. Hindi pwedeng makita nilang natatakot ako.

"Simple lang, Zeny," sagot ng lalaking nakaitim. His voice was like ice, walang emosyon. "Gusto namin ang negosyo ng Papa mo."

Gulat akong napatingin kay Papa. Negosyo? Akala ko ba construction company lang ang pagmamay-ari niya?

"Hindi niyo makukuha 'to," matapang kong sabi. Kahit na nanginginig ang buong katawan ko, pinilit kong maging matapang.

Humalakhak ang lalaki. "Talaga? Eh ano'ng gagawin mo? Isa ka lang babae."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Isa lang akong babae. Totoo. Pero hindi ako papayag na basta na lang nila kunin ang lahat kay Papa.

Ako si Minerva "Zeny" Reyes. Twenty-two years old. I graduated with a degree in Business Management, pero wala akong alam sa totoong negosyo. Ang alam ko lang ay mahalin ang pamilya ko at protektahan sila.

Lumaki ako sa isang simpleng pamilya. Si Papa, isang hard-working businessman. Si Mama, isang loving housewife. Akala ko, normal ang buhay namin. Pero ngayon, parang nagbago ang lahat.

Ang kompanya ni Papa, ang Reyes Construction, ay hindi lang pala basta construction company. Isa pala itong front para sa isang mas malaking operasyon. Isang operasyon na hindi ko alam kung paano haharapin.

"Zeny, anak, tumakbo ka na!" sigaw ni Papa. "Huwag kang magpakabayani dito!"

Umiling ako. Hindi ko siya pwedeng iwan. Hindi ko kayang mawala siya.

"Hindi ako aalis, Papa," sabi ko. "Lalaban ako."

Ngumisi ang lalaki. "Kung gusto mo ng laban, pagbibigyan kita."

May sinenyasan siya, at agad na may lumapit sa akin na dalawang lalaki. Sinubukan kong lumaban, pero mas malalaki sila sa akin. Mabilis nila akong nahawakan at piniringan.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ko. Pero walang nakinig.

Iginapos nila ako sa isang upuan. Hindi ko makita kung ano ang nangyayari, pero naririnig ko ang boses ni Papa na nakikiusap.

"Parang awa niyo na, huwag niyo siyang idamay dito!" pakiusap ni Papa.

"Sorry, Reyes," sabi ng lalaki. "Pero kasali na siya dito. She made her choice."

Naramdaman ko ang isang malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko. Isang baril.

"Any last words, Zeny?" tanong ng lalaki.

Napapikit ako. Ito na ba ang katapusan ko? This can't be it.

"Sana... sana hindi ko na lang nalaman ang lahat ng ito," bulong ko.

Biglang may narinig akong putok ng baril. Isa. Dalawa. Tatlo. Sunod-sunod. Napasigaw ako sa takot. Hindi ko alam kung sino ang tinamaan.

Tila tumagal ng isang milyon taon ang mga sumunod na segundo. Pagkatapos, biglang tumigil ang lahat.

Tahimik. Nakakabinging katahimikan.

Naramdaman kong may humawak sa akin. Hindi ko alam kung sino. Hindi ko makita. Pero alam kong iba siya. Iba siya sa mga lalaking dumakip sa akin.

"Okay ka lang ba?" tanong ng isang lalaki. His voice was deep and husky, pero may lambing din. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa piring, pero ramdam ko ang presensya niya.

"Sino ka?" tanong ko.

He chuckled softly. "That's not important right now. Ang mahalaga, ligtas ka na."

Tinanggal niya ang piring sa mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Mga patay na katawan. Nakakalat sa sahig. Dugo. Maraming dugo. At sa gitna ng lahat ng ito, nakatayo ang lalaking nagligtas sa akin. Nakasuot siya ng itim. Hawak niya ang baril. At ang kanyang mga mata... ang kanyang mga mata ay puno ng misteryo.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko ulit.

Ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko maintindihan. Isang ngiting puno ng pangako at panganib.

"Ako si Kevin," sabi niya. "At ako ang magiging protektor mo."

Bago pa ako makapagsalita, lumuhod siya sa harapan ko at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ito. Pagkatapos, tumingin siya sa akin at sinabi:

"Simula ngayon, pagmamay-ari na kita."